Now selling residential units !!!      Model units are available for viewing at the site.

 
 
 


OFW BANTAY PAMILYA

Ito ang pinakabagong insurance package para sa pamilya ng OFW. Habang nasa ibang bansa ka, ikaw ay nakatitiyak na protektado ang mag-anak mo sa mga gastusin maidudulot ng sakit o aksidente.

Protektado ang iyong Pamilya sa mga pinsalang dulot ng aksidente. Ang iyong asawa at bawat anak ay protektado hanggang P 100,000.00 para sa Accidental Death and Dismemberment.

Para sa mga gastusin sa ospital na dulot ng aksidente, ang iyong asawa at bawat anak ay may Accidental Medical Reimbursement hanggang P 10,000.00, bawat aksidente.

Para sa mga gastusin sa ospital na dulot naman ng sakit at kinakailangang mamalagi sa ospital, ang sino man sa iyong mag-anak na ma-ospital ay may Daily Cash Benefit na hanggang P 1,000.00 bawat araw na nasa ospital hanggang tatlong daan at animnaput-limang araw (365).

Kung kinakailangang ilagay ang iyong asawa o sino man sa iyong anak sa ICU dahil sa sakit o aksidente, mayroon silang ICU Benefit na hanggang P 2,000.00 bawat araw hanggang tatlumpung araw (30) na nasa ICU sila.

Kung kinakailangang ng operasyon ang iyong asawa o sino man sa iyong anak dahilan sa sakit o pinsala na dulot ng aksidente, sila ay protektado ng Surgical Benefit na hanggang P 15,000.00 sa bawat operasyon.

Ikaw, bayaning OFW, ay protektado rin sa mga pinsala na dulot ng aksidente, at kung hahantong sa Accidental Death and Dismemberment, ang mga benepisaryo mo ay tatanggap ng benepisyo hanggang P 100,000.00. Magiging doble ang benepisyong ito kung ang aksidente ay may kinalaman sa iyong trabaho.

Kung ikaw ay mamatay dulot ng aksidente, tutulungan ng Malayan ang isa mong anak na makapagpatuloy ng pag-aaral. Tatanggap ang isa mong anak ng Educational Assistance na nagkakahalagang P 50,000.00.

Kung ikaw ay mamatay dulot ng aksidente, aalalayan ng Malayan ang iyong pamilya sa kanilang pagdadalamhati sa pamamagitan ng Burial Assistance na nagkakahalagang P 25,000.00

PATNUBAY (GUIDELINES)

· Ang OFW o Principal ay dapat na sa wastong gulang na 18 hanggang 65 taong gulang.
· Puwedeng bilhin ng mga walang asawa ang Family Cover o Individual Cover.
· Kung Family Cover ang nais bilhin ng mga walang asawa, ang mga magulang at mga kapatid na wala pang asawa lamang ang puwedeng ideklara sa package na ito.
· Ang mga magulang ng OFW ay hindi dapat lalagpas sa edad na 65 taong gulang.
· Ang mga kapatid ng OFW na wala pang asawa ay dapat nasa edad na 1 hanggang 18 taong gulang. Puwede hanggang 21 taong gulang kung sila ay nag-aaral o estudyante pa.
· Kung Individual Cover ang nais bilhin ng mga walang asawa, isa lamang ang puwedeng ideklara bilang benepisaryo. Ang sino mang nais na ideklara sa Individual Cover bilang benepisaryo ng OFW ay dapat nasa edad na 1 hanggang 65 taong gulang.

· Ang OFW o Principal ay dapat na sa wastong gulang na 18 hanggang 65 taong gulang.
· Puwedeng bilhin ng mga may asawa ang Family Cover o Individual Cover.
· Kung Family Cover ang nais bilhin ng mga may asawa, ang legal na asawa at mga anak na wala pang asawa lamang ang puwedeng ideklara sa package na ito.
· Ang legal na asawa ng OFW ay hindi dapat lalagpas sa edad na 65 taong gulang.
· Ang mga anak ng OFW na wala pang asawa ay dapat nasa edad na 1 hanggang 18 taong gulang. Puwede hanggang 21 taong gulang kung sila ay nag-aaral o estudyante pa.
· Kung Individual Cover ang nais bilhin ng mga may asawa, isa lamang ang puwedeng ideklara bilang benepisaryo. Ang sino mang nais na ideklara sa Individual Cover bilang benepisaryo ng OFW ay dapat nasa edad na 1 hanggang 65 taong gulang.


 
 
i4u